Post

Ano Daw?


Aminin man natin o hindi, nagkakaintindihan tayong mga Pinoy sa mga ganitong uri ng pakikipag-usap. Ngunit, 'di kaya'y nakaka-sira ito sa image nating mga Pinoy?

Tanong: Nasaan ang nanay/tatay mo?
Sagot: Bakit ho?

Tanong: Saan tayo kakain?
Sagot: Ikaw?

Tanong: Nasaan ka na?
Sagot: Papunta na.

Tanong: Kumain ka na ba?
Sagot: Busog pa ako, eh.

At dahil may kasikatan ang tanong kung nakakain ka na ba, napakaraming posibleng sagot para dito.. Heto pa ang ilan:

Tanong: Kumain ka na ba?
Sagot: Sabay na kami ni ate.

Tanong: Kumain ka na ba?
Sagot: May ginagawa pa ako.

Tanong: Kumain ka na ba?
Sagot: Sandali na lang ito.

Mabalik tayo sa mga katanungang may mga kakaibang sagot..

Tanong: Ano'ng trabaho ng nanay mo?
Sagot: Sa bahay lang.

Tanong: Nasaan na ba ang kapatid mo?
Sagot: Bukas pa uuwi 'yun.

Tanong: Nasaan na 'yung hikaw ko?
Sagot: Nahulog lang 'yun.

Tanong: Mahal mo ba ako?
Sagot: Ang corny mo talaga!

Hoy pinoy! Ang gulo mo! Ayus ayusin mo ang pagsagot mo!

Bokya tuloy tayo sa Miss Universe 2010 dahil sa magulong sagot na wala namang kinalaman sa tanong! Heto basahin nyo kung ano ang sinagot ni Miss Universe 2010 candidate Maria Venus Raj sa katanungan ni William Baldwin sa kanya atbp.

Tanong: What is one big mistake that you've made and what did you do to make it right?
Sagot: "Thank you so much sir for that wonderful question. Good evening ladies ang gentlemen! Good evening Las Vegas! You know what sir, in my twenty-two years of existance that there is nothing major major, I mean, problem that I have done in my life because I am very confident with my family, with the love they are giving to me so thank you so much that I'm here. Thank you so much!"

Ano daw? O heto, ulit ulitin mo pa ^^,

Get Facebook Comment Box Social Plug-in on Blogger at TechEncounter.Net

Sponsored Links

Personal - Top Blogs Philippines
Make Money Blogging